Turkey niyanig ng magnitude 7.8 na lindol

Turkey niyanig ng magnitude 7.8 na lindol

February 6, 2023 @ 1:00 PM 2 months ago


TURKEY – Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Gaziantep, southeastern Turkey nitong Lunes, Pebrero 6.

Ito ang iniulat ng US Geological Service kung saan tumama ang lindol 4:17 ng madaling araw, oras sa Turkey na may lalim na 17.9 kilometro.

Ayon sa AFAD, disaster management agency ng naturang bansa, ang lindol ay may lakas na magnitude 7.4.

Ang southern region ng Gaziantep ay isa sa itinuturing na key industrial at manufacturing hubs malapit sa Syria.

Maliban sa Turkey, naramdaman din ang lindol sa mga bansa ng Lebanon, Syria at Cyprus.

Sa ngayon ay wala pang iniuulat na nasawi o nasaktan ang mga awtoridad sa Turkey ngunit kumalat sa social media ang mga larawan ng mga nasirang gusali sa ilang lungsod na apektado ng lindol.

Isa sa itinuturing na most active earthquake zones ang Turkey at tinamaan na rin ng ilan sa mga malalakas na lindol sa kasaysayan. RNT/JGC