Turkish national tiklo sa pang-aabuso sa asawa, sanggol na anak

Turkish national tiklo sa pang-aabuso sa asawa, sanggol na anak

July 14, 2021 @ 4:07 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang Turkish national matapos na buhusan ng gasolina ang asawa, mga biyenan at sanggol na anak at ikandado sa ValenzuelaCity.

Ibinalibag sa selda si Ugur Erdogdu, 39, negosyante, ng 0182 MacArthur Highway, Malanday,Valenzuela City.

Sinakote ang suspek sa kanyang bahay alas-6 ng umaga noog Hulyo 12.

 Bago ito alas-7:30 ng nagdaang gabi ay umuwing lasing ang suspek at nakabangayan ang asawang si Hazelrebuya Erdogdu, 31, dahil gusto umanong dahil ng suspek ang kanilang anak sa Turkey.

Umusok ang bumbunan ng suspek binuhusan ng gasolina ang kabiyak at ang kanilang dalawang-taong-gulang na anak na lalaki.

Nang tangkaing mamagitan ng mga magulang ng biktima ay sila naman ang sinabuyan ng gasolina ng Turko at sinabuyan din ang kanilang nakagaraheng motorsiklo at backhoe.

Humingi ng tulong si Hazelrebuya sa Barangay Malanday  ngunit hindi nahuli ang suspek. Kinabukasan ay pupunta sana sa Barangay Malanday ang biktima para humingi ng Barangay Protection Order ngunit ikinandado ng suspek sa loob ng kanilang bahay at nakaspuslit lamang nang swerteng makita ang susi.

Dagling dumulog sa pulisya ang ginang at dinakip ang kanyang asawa ni PSMS Roberto L. Santillan, ng Station Intelligence Section, Valenzuela City Police Station.  Inilipat ang suspek sa Women and Children’s Protection Desk  Office matapos isailalim sa medical examination sa  Valenzuela City Health Department

 Paglabag sa Sec 5(d) at (i) ng  Republic Act 9262  of Anti-Violence Against Women and Children Act ang isasampang kaso laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagian ng electronic Inquest Proceedings ng mga investigators-on-case na sina PMSg Jennifer P. DelasNadas at d PCpl Nadine Isidro. Merly Iral