TV ratings ng “A Business Proposal” umarangkada pa sa Korea!

TV ratings ng “A Business Proposal” umarangkada pa sa Korea!

March 16, 2022 @ 7:00 PM 3 months ago


SEOUL, South Korea – Kung patok sa mga Pinoy ang ongoing na K-drama series na “A Business Proposal,” same sentiment ito para sa mga taga-Korea!

Ito ay makaraang umarangkada na naman sa nationwide TV ratings ang “A Business Proposal” starring Ahn Hyo-seop, Kim Sejeong at Kim Min-kyu sa South Korea.

Ayon sa Nielsen Korea, sa March 15 broadcast ng naturang programa sa SBS ay nakakuha ito ng two-digit rating na 10.1 percent.

Maikokonsiderang personal best record ito ng hit Kdrama at mas mataas na two percent mula sa nakaraang episode nito na may 8.1% rating.

Sa kabilang banda, kapwa nakakuha rin naman ng magandang ratings ang mga kasabayan nitong palabas sa ibang himpilan katulad na lamang ng “Crazy Love” ng KBS2 at “Military Prosecutor Doberman” ng TVN na may tig-isang digit naman na average nationwide ratings.

Kaabang-abang ang mga susunod na episode ng “A Business Proposal” na may halong kilig at katatawanan na ngayon ay nasa 12th episode na. RNT/JGC