TV series ng ‘Lord of the Rings’ mapanunuod na sa Setyembre 2022

TV series ng ‘Lord of the Rings’ mapanunuod na sa Setyembre 2022

August 3, 2021 @ 4:25 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA,Philippines- Mapapanuod na ang TV version ng “The Lord of the Rings” sa Setyembre 2022, ayon sa Amazon Studios nitong Lunes.

Ipalalabas ang unang season sa New Zealand, ayon sa Streaming platform.

“The journey begins September 2, 2022 with the premiere of our original The Lord of the Rings series on Prime Video,” ayon kay Jennifer Salke, Head ng Amazon Studios.

Sinasabing isa ito sa may pinakamahal na TV series dahil umano sa mahigit $465 million na nagastos para lang sa unang season nito.

Mapapanuod ang  TV version ng ‘The Lord of the Rings” sa mahigit 240 na bansa,  ito ay may limang seasons na mapapanood  kada linggo.RNT/Yna de Luna-trainee


  •  
  •  
  •