Tweet ng Rappler ukol sa ‘scholar of the VP’ pinalagan ng CHED chair

Tweet ng Rappler ukol sa ‘scholar of the VP’ pinalagan ng CHED chair

May 9, 2022 @ 9:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinuwestyon ni Commission on Higher Education chairperson Prospero “Popoy” de Vera ang tweet na ginawa ng online news website Rappler na nagsasabing ang isang nagngangalang Antonio “Tony” Esquelador Jr., lalaking ipinanganak na walang binti, ay nakatanggap ng scholarship mula sa Office of the Vice President Leni Robredo.

Sa isang tweet na may petsang Mayo 6, ibinahagi ng Rappler ang mga larawan ng 30-year-old na Esquelador na may kasamang Mayon volcano bilang backdrop at inilarawan ito bilang “a scholar of the VP for the last five years” sa caption nito.

Sinabi ng Rappler na si Esquelador Jr. ng Barangay Puro, Legazpi City, ay binabagtas ang 5 kilometro upang sumali sa May 6 Albay grand send-off para kay Robredo.

Tinukoy ni De Vera na si Esquelador ay “aktuwal” na Tertiary Education Subsidy (TES) beneficiary sa ilalim ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) law.

Ang RA 10931, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2017, ay naglalayong tulungan ang mga kuwalipikadong disadvantaged students at iyong mga nag-aaral sa lungsod at munisipalidad na walang public universities para suportahan ang kanilang mga pag-aaral.

“‘Scholar of VP Robredo’? ‘Scholar of the VP’? He is a scholar/TES grantee of the Philippine government since 2018 under the Universal Access to Quality Education law (RA 10931),” ayon kay De Vera sa kanyang official Facebook account.

Ipinaliwanag nito na ang record mula sa CHED-Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) ay nagpapakita na siya ay isang TES grantee.

“All scholars under CHED programs are government scholars, not scholars of politicians,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni De Vera na si Esquelador ay pinapayagan lamang ng batas na i-enjoy ang one scholarship o grant mula sa ahensiya ng pamahalaan.

“If indeed he is enjoying a scholarship or grant from anothergovernment agency, he can lose his UAQTE TES,” aniya pa rin.

“The TES-1 covers the tuition and other school fees in private higher education institutions (HEIs) while TES-2 is for education-related expenses and allowance for room and board costs,” ayon kay De Vera.

Nag-aalok din ito ng karagdagang subsidiya na nagkakahalaga ng P30,000 sa mga TES beneficiaries with disabilities, na aniya’y TES-3A category. Kris Jose