TWG sa RCEP isinusulong ni Imee

TWG sa RCEP isinusulong ni Imee

December 12, 2022 @ 5:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ni Senador Imee Marcos nitong Lunes, Disyembre 12 ang pagbuo ng technical working group (TWG) para sa pagbuo ng committee report sa pagratipika sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

Ito ang ipinanawagan ni Marcos na tumatayo ring chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations.

Planong ilagay na miyembro ng bubuuing TWG ay ang mga tauhan mula sa local agriculture sector, Departments of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs (BOC), Tariff Commission, the Philippine Competition Commission (PCC), at National Economic and Development Authority (NEDA).

Noong nakaraang buwan ay sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual, na umaasa siyang mararatipikahan na ng Senado ang RCEP ngayong buwan ng Disyembre.

“Let’s make sure that all sectors are reflected and not merely the DTI, who of course its job it is to be gung ho and open about all trade agreements,” sinabi ni Imee Marcos.

“As much as we would like to support you, there are local sectors that need to be addressed and in many cases, compensated,” dagdag niya.

Ang RCEP ay isang free trade agreement na unang napag-usapan noong Agosto 2012 sakop ang mga bansang kasali sa
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga katuwang na bansa na Australia, China, Japan, South Korea, at New Zealand.

Kasabay naman ng pagdinig, kinwestyon ni Marcos ang mga miyembro ng Gabinete sa pagsiguro na hindi maaapektuhan ang mga local stakeholders sa pagpasok ng mga produkto mula sa mga trade partners sa labas ng bansa.

“I suppose what I’m looking for… is some assurance that we will avoid the freefall in agriculture, MSMEs, and other sectors that occurred in 1994 and thereafter,” aniya.

“We cannot allow that to repeat itself so what are the safeguards? What are these remedies? What are these plans and programs that will reinforce the sectors that will necessarily be hard hit?” dagdag ng Senador. RNT/JGC