Twice, balik high-school sa kanilang MV pasilip!

Twice, balik high-school sa kanilang MV pasilip!

September 27, 2021 @ 2:50 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SOUTH KOREA – Matapos tayong lasingin ng global hit na Kpop group na Twice kahit ‘Alcohol Free’ ang huling pasabog nilang kanta…

This time mukhang mapapa-throwback tayo dahil sa patikim ng grupo sa kanilang upcoming single!

Ito ay dahil may pagka-retro high school ang peg ng paparating nilang kanta base sa binitawang teaser ng ‘The Feels’ ngayong araw, Setyembre 27.

Inaasahan na sa Oktubre 1 ilalabas ang unang full English single ng Twice na ‘The Feels’.

Sa music video, makikita ang mga katagang “You are cordially invited to ‘The Feels’ Prom 2021…” at ang petsa na 10.01.2021.

Tiyak na excited na ang Filipino ONCEs sa maagang Christmas gift ng grupo! RNT


  •  
  •  
  •