Twinkle Dargani pinalaya ng Senado matapos magka-COVID

Twinkle Dargani pinalaya ng Senado matapos magka-COVID

January 11, 2022 @ 1:43 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Pinalaya na ng senado si Pharmally Pharmaceutical Corporation president Twinkle Dargani upang kumpletuhin ang kanyang quarantine sa tahanan sa Taguig City, base kay Senate Sergeant-at-Arms Ret. Gen. Rene Samonte nitong Martes.

“Yes, [she] was released at 12:15 a.m… to be with her mother, with the understanding that she will be available when needed by the Senate. I was told they will proceed to the residence in [Bonifacio Global City], to complete her isolation and quarantine,” paglalahad ni Samonte.

Habang inirekomenda ni Senate blue ribbon committee chairman Richard Gordon na ilagay si Dargani sa ilalim ng house arrest, iginiit ni Samonte na hindi na siya babantayan ng security personnel ng senado sa kanyang bahay.

“Hindi na sya babantayan [Our personnel won’t guard her anymore]. She was released for humanitarian considerations, with the [understanding] that she herself available to Senate whenever needed,” ani Samonte.

Inaprubahan ni Senate President Vicente Sotto III nitong Lunes ang pagpapalaya kay Dargani mula sa senado matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19). Kasalukuyan siyang nasa pangangalaga ng kanyang ina na si Deepa Dargani.

Ani Sotto, nag-aalala si Deepa sa “deteriorating mental health condition” ng kanyang anak. RNT/SA