Sisimulan nang tanggalin ng social media site na “Twitter” ang ilang mga account na hindi aktibo at mga peke.
Dahil dito, nag-abiso ang Twitter na asahan na ang pagkabawas ng mga followers dahil nasa milyon-milyong account ang kanilang tatanggalin.
Kabilang din sa mga account na tatanggalin ay yung mga na-hack at ginagamit sa mga pagpapakalat ng fake news at mga propaganda.
Tatanggalin na rin ng Twitter ang mga ‘locked accounts’ o yung may mga kakaibang mga aktibidad sa kanilang account gaya ng maraming tweets at mga nagpo-post ng mga misleading link,
Ang malakihang pagbabawas sa mga user nito o tinatawag nilang ‘Twitter Purge’ ay posibleng makaapekto sa mga accounts ng mga artista o kilalang tao.
Taong 2015 nang magkaroon din ng purge ang Instagram kung saan naapektuhan ang bilang ng mga follower ng mga sikat. (Remate News Team)