Twitter magkakasa ng legal action vs Elon Musk

Twitter magkakasa ng legal action vs Elon Musk

July 9, 2022 @ 2:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Tesla CEO Elon Musk nitong Biyernes na tine-terminate niya ang deal na bilihin ang Twitter.

Sinabi ni Elon Musk, chief executive officer ng Tesla at pinakamayamang tao sa buong mundo, nitong Biyernes na binabawi na niya ang $44 billion deal na bilihin ang Twitter dahil lumabag umano ang social media company sa ilang probisyon ng merger agreement.

Sinabi ng chairman ng Twitter na si Bret Taylor na sa micro-blogging platform binabalak ng board na magkasa ng legal na aksyon upang matuloy ang merger agreement.

“The Twitter Board is committed to closing the transaction on the price and terms agreed upon with Mr. Musk…,” saad nito.

Sa isang filing,  sinabi ng mga abogado ni Musk na hindi nasunod ng Twitter o tumanggi ito na tumugon sa ilang hinihiling na impormasyon sa peke o spam accounts sa platform, na mahalaga umano sa business performance ng kompanya.

“Twitter is in material breach of multiple provisions of that Agreement, appears to have made false and misleading representations upon which Mr. Musk relied when entering into the Merger Agreement,” saad sa filing.

Sinabi rin ni Musk na umayaw siya dahil sinibak ng Twitter ang high-ranking executives at ikatlong bahagi ng talent acquisition team, na labag sa obligasyon ng Twitter “to preserve substantially intact the material components of its current business organization.”

“This is a disaster scenario for Twitter and its Board as now the company will battle Musk in an elongated court battle to recoup the deal and/or the breakup fee of $1 billion at a minimum,” giit ni Daniel Ives, analyst sa Wedbush. RNT/SA