Twitter pag-aari na ni Musk

Twitter pag-aari na ni Musk

October 28, 2022 @ 10:43 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa kamay na ni billionaire Ellon Musk ang Twitter na nagkakahalaga ng $44 bilyon.

Pumasok si Musk sa opisina ng Twitter na may dala-dalang kitchen sink at sinabi nito sa caption na  “let that sink in!”

Pinalitan na niya ang Twitter account niya ng Chief Twit.

Ayon kay Musk, binili niya ang Twitter upang hindi pagkakitaan kundi para sa kapakinabangan ng sangkatauhan at nais nitong gawing sentro ng komunikasyon sa mundo.

Agad namang nawala sa eksena sina chief executive, Parag Agrawal, at chief financial officer Ned Segal.

Sinuspinde naman ng New York Stock Exchange ang kalakal sa sapi o shares ng kompanya.

Nagsimulang bumili ng sapit si Musk noong Enero at pagdating ng April 2022, siya na ang may pinakamalaking share hanggang sa bilhin niya ito nang buo. RNT/FC