Tyler Herro di na pinakawalan ng Heat

Tyler Herro di na pinakawalan ng Heat

October 3, 2022 @ 3:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi na pinakawalan ng Miami Heat ang pambato nilang si Tyler Herro at pinapirma itong muli ng apat na taong kontrata para sa extension nito.

Ayon sa ulat, nagkakahalaga ang deal ng $30M per year para sa  reigning NBA Sixth Man of the Year noong nakaraang season na si Herro na may kasamang incentives na kung susumahin ay aabot sa $130 milyong dolyar.

Matatandaang umabot ang Heat sa NBA Finals noong 2020 title showdown dahil sa malaking tulong ni Herro sa kabila na kanyang rookie season pa lamang sa kanyang paglalaro sa koponang Miami.

Kumakamada si Herron g average na 20.7 points, 5.0 rebounds at 4.0 assists nitong nakaraang season at naging susi sa para masungkit niya ang NBA top reserve award. JC