Tyler Zeller, pasok sa Memphis Grizzlies

Tyler Zeller, pasok sa Memphis Grizzlies

April 6, 2019 @ 9:00 AM 3 years ago


United States – Maglalaro para sa Memphis Grizzlies hanggang sa katapusan ng season ang free agent center na si Tyler Zeller, ayon sa anunsiyo ng kupunan nitong Biyernes.

Si Zeller, naglaro para sa Atlanta Hawks sa 10-araw na kontrata ngayong buwan, ay papalitan ang guard na si Dusty Hannahs matapos siyang i-wave.

Noong 2012, si Zeller ay ang first-round pick out ng North Carolina ngunit hindi nakapaglaro sa Dallas Mavericks, nagbigay sa 7-footer sa Cleveland Cavaliers sa pamamagitan ng trade.

Matapos ang dalawang season sa Cavs, si Zeller ay naglaro ng tatlong season sa Boston Celtics at isang taon sa Milwaukee at Brooklyn.

Si Zeller, 29-anyos, ay mayroong average na 6.9 points at 4.4 rebounds per game. /Remate News Team