Typhoid fever umatake sa CALABARZON

Typhoid fever umatake sa CALABARZON

June 3, 2021 @ 1:19 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 68 kaso ng typhoid fever ang naitala sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) region mula Enero 1, 2021 hanggang Mayo 29, 2021.

Ang probinsiya ng Laguna ang nagtala ng may pinakamataas na bilang kung saan umabot sa 30 kaso, sumunod ang Cavite (26); Rizal (6) at Batangas (1).

Ayon kay DOH-CALABARZON Regional Medical Technologist, Kimberly B. Cu na ang typhoid fever ay laganap sa mga lugar kung saan may kakulangan sa kalinisan at maruming  pinangkukunan ng maiinum na tubig.

“If you are unsure of the quality of the water, especially those taken from deep wells which are untreated, it is best to boil it for at least 2 minutes to kill bacteria.” Ayon kay Cu.

Nagbabala rin si Cu sa pagkain ng mga street foods kung saan nadadapuan ng mga insekto at pinakainam ang palaging naghuhugas ng kamay bago at matapos kumain.

Ang Typhoid ay isang infectious disease na sanhi ng bacteria Salmonella typhi at nakukuha ito sa pamagitan ng pagkain o pag-inum ng tubig nakontaminado sa bacteria.

Ang isang tao na may typhoid fever  ay nakakaramdam ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, paghihina , walang gana sa pagkain , diarrhea  constipation at kung nakakaranas ito ay kinakailangang dalhin sa ospital.

“The only effective treatment for the illness is antibiotics such as ciprofloxacin (for non-pregnant adults) and ceftriaxone for pregnant patients. Give them plenty of water to rehydrate,” ayon pa kay Cu. Jocelyn Tabangcura-Domenden