Typhoon Hinnamnor nanalasa sa SoKor

Typhoon Hinnamnor nanalasa sa SoKor

September 6, 2022 @ 1:26 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanalasa ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa South Korea sa loob ng ilang taon sa southern region nitong Martes,Β  na nagdulot ng halos isang metro (3 talampakan) ng ulan, sumira sa mga daan at nagpatumba sa power lines, kung saan 20,000 tahanan ang nawalan ng kuryente habang libo-libong indibidwal ang nagsilikas sa ligtas na lugar.

Tumama ang Typhoon Hinnamnor sa resort island ng Jeju at nag-landfall malapit sa mainland port ng Busan kaninang umaga, at kumikilos patungong northeast toward sa dagat na may hanging ang bilis ay aabot sa 144 kilometro (89 milya) kada oras.

Nakaalerto naman ang bansa sa pinsala, pagbaha, pagguho ng lupa at tidal waves dulot ni Hinnamnor, na dumating ilang linggo lamang matapos pabahain ng malakas na ulan sa rehiyon ang capital Seoul kung saan halos 14 indibidwal ang nasawi.

Pinalikas naman ni Prime Minister Han Duk-soo ang mga nasa lugar na posibleng bahain, at sinabing maaaring mauwi si Hinnamnor bilang β€œhistorically strong typhoon that we never experienced before.”

Nagdulot ang bagyo ng mahigit 94 sentimetro (37 inches) ng ulan sa central Jeju mula Linggo, kung saan ang hangin ay may bilis na hanggang 155 kph (96 mph). RNT/SA