Tyson Fury nagpositibo sa COVID-19

Tyson Fury nagpositibo sa COVID-19

July 10, 2021 @ 8:04 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pormal nang kinansela ang inaabangang trilogy sa pagitan nina Tyson Fury at Deontay Wilder sa Las na gaganapin ngayon buwan sa Las Vegas matapos magpotibo ang una  sa COVID-19, ayon sa World Boxing Council (WBC).

Matatandaang pumirma ng kontrata si WBC heavyweight champion Fury noong Mayo para labanan si American Wilder sa ikatlong pagkakataon sa July 24.

“Fury vs Wilder III will be postponed. We wish Tyson Fury’s team and him speedy recovery from COVID,” ani ng WBC.

Nagpositibo si Fury sa isinagawang test nitong nakaraang araw at ayon sa source ay maaaring sa Setyembre na matuloy ang laban nila ni Wilder.

Haharapin sana ni Fury, 32, ang kapwa Brinton na si Anthony Joshua sa Saudi Arabia sa Agosto sa world heavyweight unification title fight, pero inatasan si Fury ng American arbitrator na labanan si Wilder bago mag-Sept. 15.

Unang nilaban ni Fury si Wilder, 35, noong 2018 at nagkaroon sila ng rematch noong February 2020 kung saan nagwagi si Fury via seventh-round stoppage.JC