U.S. private citizen, nakakuha ng misteryosong sakit sa pabisita sa China

U.S. private citizen, nakakuha ng misteryosong sakit sa pabisita sa China

July 6, 2018 @ 11:01 AM 4 years ago


 

United States – Nagkaroon ang isang U.S. private citizen na bumisita sa China ng katulad sa sintomas na nararanasan ng U.S. diplomats na misteryosong sakit sa Havana at Guangzhou, ayon sa opisyal ng U.S. State Department kahapon.

Hindi pinangalanan ng opisyal ang indibidwal na ito at siya ang kauna-unahang non-official sa Amerika na nakaramdam ng sintomas na ito matapos ang kaniyang pagbisita sa China. Samantala, 19 na private U.S. citizens ang napabalitang mayroon ding nararamdamang ganitong sintomas matapos ang pagbisita naman sa Cuba.

Bukod pa rito, 25 na U.S. official sa Havana at isang nagtratrabaho sa US consulate sa Guangzhou naman ang pinauwi pabalik sa US matapos kakitaan ng mga sintomas kapareho ng concussion o mild traumatic brain injury.

Marami sa kanila ang nagsabi tungkol sa misteryosong sakit kung saan hindi pa rin tukoy kung ano ang dahilan nito.

Ayon sa travel advisory noong March 2 , hinimok ng State Department ang mga US citizen na ‘wag muna pumunta sa Cuba at sinabing, “numerous U.S. Embassy Havana employees appear to have been targeted in specific attacks.”

“Affected individuals have exhibited a range of physical symptoms including ear complaints and hearing loss, dizziness, headaches, fatigue, cognitive issues, visual problems, and difficulty sleeping,” dagdag pa nila.

Unang ibinalita ang naturang sakit na nakuha ng mga US official sa Cuba noong August habang ang kaso naman ng mga amerikano na nagtrabaho sa US consulate sa Guangzhou ay noong May.

“Since the release of the first (Guangzhou-related) Health Alert on May 23, the Department of State has been contacted by one U.S. citizen who reported experiencing similar symptoms following travel to China,” sabi naman ng opisyal ng State Department Bureau of Consular Affairs.

Nang tanungin naman kung mayroong hawak na impormasyon ang state department na nagsasabi kung ang private citizen ay nakararanas ng kaparehong simptomas gaya ng sa mga US official sa Cuba, sinabi ng opisyal, “This is an evolving situation. As we state in our health alert, if you have concerns about any symptoms or medical problems, consult a medical professional as soon as possible.”

Itinanggi naman ng Cuban officials na mayroon silang kinalaman at ano mang impormasyon sa kaso ng misteryosong sakit sa Havana. Sinabi rin ng China na masusi nilang inimbestigahan ang kaso na isinumite ng US sa Guangzhou ngunit wala silang nakitang rason o ano mang bakas para ipaliwanag ito. (Remate News Team)