UAAP champ NU isasabak ng bansa sa 2022 AVC

UAAP champ NU isasabak ng bansa sa 2022 AVC

July 2, 2022 @ 10:19 AM 1 month ago


MANILA, Philippines– Matapos ang kanilang makasaysayang championship run sa UAAP women’s volleyball, may bagong gawain ang National University (NU) Lady Bulldogs – ang pamunuan ang batang Philippine team sa isang international competition.

Nangunguna sa pool ng bansa ang unang Rookie-MVP ng liga na si Mhicaela Belen para sa paparating na 2022 Asian Women’s Volleyball Cup (AVC) kasama ang iba pang Lady Bulldogs at iba pang UAAP standouts.

Makakasama ni Belen sina top libero Jen Nierva, Best Opposite Spiker Alyssa Solomon, Best Setter Camilla Lamina, Ivy Lacsina at Kamille Cal.

Ang katatapos lang na UAAP Season 84 ay siguradong nagbigay ng malakas na pahayag kung saan iilang star players mula sa iba’t ibang team ang nagpakita ng kanilang galing sa volleyball.

Dahil dito, makakasama rin ang Lady Bulldogs ng anim na manlalaro mula sa runner up De La Salle University, sa pangunguna ni super rookie Alleiah Malaluan, Best Middle Blocker Thea Gagate, Leila Cruz, Fifi Sharma, Jolina dela Cruz, at Marrione Alba.

Dadalhin din ng Best Open Spiker Faith Nisperos ang kanyang talento sa pambansang koponan kasama ang mga kapwa Atenean na sina Vanie Gandler at AC Miner.

Ang nangungunang scorer ng liga na si Eya Laure ay tumango rin mula sa head coach ng pambansang koponan na si Jorge Souza de Brito. Ang iba pang University of Santo Tomas Tigresses na tatawagin para sa pool ay sina Imee Hernandez at libero Bernadette Pepito.

Ang Adamson University ay magkakaroon din ng mga kinatawan sa pool kasama sina Trisha Genesis at Louie Romero. Iimbitahan din sa national team ang top hitter ng University of the Philippines na si Aly Bertolano.

“Ito ang target ko. Bata pa talaga sila kaya bale na kung sino ang kalaban natin. If you remember when I got these guys last year in Thailand, I was thankful for all the coaches working in the UAAP because these guys are too good,” ani Souza de Brito.

“Eya, Faith, Belen, ang galing talaga nila. Kahit wala kang UAAP, marami pa sila at nandito na.”

Ayon sa kanya, ang kailangan lang nila ay oras na magtulungan para mag-gel at maglaro sa mataas na antas ng volleyball.

“In the long-term, we have to prepare them. We have to bring them inside, ang daming stars na magagaling talaga, but we have to support them kasi sila ang future,” banat ni de Brito.

Ang Pilipinas ay nagho-host ng 2022 AVC Cup mula Agosto 21 hanggang 28.RICO NAVARRO