Doktor na tumangging gamutin si Salilig hanapin, panagutin – Tolentino

March 21, 2023 @2:27 PM
Views: 0
MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Senator Francis Tolentino ang National Bureau of Investigation (NBI) ang doktor na tumanggi umanong magbigay ng tulong medikal sa hazing victim na si John Matthew Salilig.
Sinabi ng senador sa pagdinig sa Senado na base sa affidavit ng isa sa limang suspek sa Salilig case na boluntaryong sumuko sa NBI na si Ralph Benjamin Tan alyas Scottie, ang doktor ay tumangging tulungan si Salilig.
Anang senador, aalamin kung sino ang doktor na ito na tumangging sumaklolo kay Salilig na nooy buhay pa.
“Palagay ko po sa NBI dapat malaman natin kung sino ang doktor na ito. Ito po ay lisensyado ng [Professional Regulatory Commission], ito po ay medical practitioner. Wala po akong alam na doktor na hindi nagbibgay ng tulong sa nangangailangan pero ito kaharap niya na oh, ayaw niya,” sabi ni Tolentino.
Sinabi ni NBI agent Joseph Martinez, na kumuha ng salaysay ni Tan, na sinusubukan pa nilang kilalanin ang doktor dahil tila hindi rin matukoy ni Tan kung sino talaga yung doktor.
Sinabi ni Tolentino na dapat makasuhan ang doktor ng paglabag ng Hippocratic Oath.
Tinapos ng Senate Justice and Human Rights panel ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Salilig pagkatapos ng dalawang pagdinig.
Sa unang pagdinig, nalaman na ang mga miyembro ng Tau Gamma ay nagpasya na hindi dalhin sa ospital si Salilig matapos siyang makaranas ng seizure habang isinasagawa ang fraternity welcoming rites.
Natagpuan ang bangkay ni Salilig sa isang mababaw na hukay sa Imus, Cavite, noong Pebrero 28, sampung araw matapos itong iulat na nawawala. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Saleslady kinatay ng selosong ka-live

March 21, 2023 @2:15 PM
Views: 4
TACLOBAN CITY – MINSAN pang napatunayan ng walang mabuting dulot ang matinding selos matapos pagsasaksakin ang isang saleslady ng kanyang kinakasama dahil sa selos habang nagtangka naman magpakamatay ang suspek, kamakalawa ng hapon sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktimang si Dailyn Tiu, 33, appliance center sales lady habang naka-hospital arrest naman ang suspek at live-in partner na si Jason Roa, alyas Dagul, 28, at kapwa residente sa Brgy. 83-A Burayan San Jose, Tacloban City.
Batay sa report ng Police Station 1, Tacloban City Police Office, dakong 12:40 PM naganap ang krimen sa loob ng inuupahan na bahay ng mag-live in partner sa nasabing lugar.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at biktima sa loob ng kanilang bahay dahil sa pagseselos ng una.
Hanggang sa nakarinig na lamang ang kanilang mga kapitbahay na sumisigaw ng tulong ang biktima at nakita na nilang may umaagos na dugo sa pintuan ng bahay kaya agad na silang humingi ng tulong sa pulisya.
Sa pagresponde ng mga awtoridad naabutan na lamang nilang naliligo sa sariling dugo ang biktima at maraming tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Isinugod naman sa Eastern Visayas Medical Center ang suspek matapos magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa kamay.
Inihahanda naman ang kaukulang kasong isasampa laban sa suspek./Mary Anne Sapico
Rayver, pinaghahandaan na ang future nila ni Julie Anne!

March 21, 2023 @2:12 PM
Views: 23
Manila, Philippines- ‘Kakilig ang first guesting nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa Fast Talk with Boy Abunda
Hindi ka lang kikiligin sa kanilang mga sagot kundi pati sa kanilang mga kilos. Tinginan pa lang ay sapat na. Obvious na talagang mahal nila ang isa`t-isa.
Tanong ni Kuya Boy kay Rayver kung ano ang nagustuhan niya kay Julie Anne. Ang sagot ng actor, “Everything, Tito Boy. she`s my world,” sabay tinginan ang dalawa.
“Very loving” naman ang sagot ni Julie Anne sa naturang tanong.
Maging si Kuya Boy ay napansin din ang malagkit na titigan ng dalawa at nagkomento, “Alam mo, iba kayo magtinginan, huh!”
Tanong uli kay Rayver kung ano ang tawag niya kay Julie Anne. Sagot ng actor, “Jules, pero sa totoo lang, Tito Boy, ang tawag ko sa kanya, ‘My Love’.”
Si Julie Anne naman ang tinanong, “Pumpkin” at “Love” raw ang kanyang tawag kay Rayver at sabay sila nagtawanan.
Ang pinaka-killer na tanong sa dalawa ay, “Sino si Julie/Rayver sa buhay mo?”
“Siya lang ‘yung nag-iisang babae sa buhay ko ngayon, Tito Boy,” sagot ni Rayver.
“Importante at mahal ko,” sagot naman ni Julie Anne.
Pero hindi pa doon natapos ang tanungan dahil sa huli ay nagbigay ng mensahe si Kuya Boy sa dalawa. Dito na sinabi ni Rayver na sure na sure na siya na si Julie Anne ang gusto niyang makasama habambuhay.
Sabi ni Rayver, “Gusto ko lang sabihin sa `yo na this is it. Kung `di mo man alam, pero I`m getting ready kasi ikaw na talaga ‘yung nakikita ko na makakasama ko habambuhay.”
Dagdag na paliwanag pa niya, “Noon kasi, nagre-ready ako for myself, Tito Boy. But now, I`m getting ready para sa mga future plans ko and future ko with her.”
Maigsi at simple lang naging mensahe ni Julie Anne kay Rayver.
Aniya, “Basta kung nasa`n ka, du`n ako.”
Dahil dito ay talaga naman umapaw ang kilig ng mga netizens sa comment section.
“I was smiling the whole time watching this interview live on TV, tapos ngayon sa YT. Salamat,”
“Grabe…hindi ako kinilig for the longest time, ngayon na lang uli!!! I can`t get over this interview,“ comment naman ng isa pang viewer.
“Ang ganda talaga ng smile ni Julie, sobrang bagay sila ni Rayver. Bitin naman Tito Boy. God bless sa show mo, lagi ako nagwa-watch,” say ng isa pang netizen.
“Mula umpisa hanggang sa matapos, nakangiti lang ako sa inyong dalawa. Grabe na talaga kayo. JulieVer. Napaka-sweet n`yo sa isa`t-isa,” sabi naman ng isa pang fan. Gerry Ocampo
‘No Permit, No Exam Prohibition Act’ pinuri ni Bong Go

March 21, 2023 @2:02 PM
Views: 18
Pinuri ni Senador Christopher “Bong” Go ang pag-apruba ng mga senador sa Senate Bill No. 1359 o No Permit, No Exam Prohibition Act, sa ikatlo at huling pagbasa noong Lunes.
Si Go ay isa sa co-author at co-sponsor ng panukala.
Sa iminungkahing panukala, parurusahan ang mga eskuwelahan na magpapatupad ng patakarang “no permit, no exam” o anumang katulad na polisiya na nagbabawal sa mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit dahil sa hindi nabayarang matrikula o iba pang bayarin sa paaralan.
“I am grateful for the support and cooperation of my colleagues in the Senate for the passage of this measure. Education is a basic right that should be accessible to all, and this measure ensures that no student is unfairly deprived of the opportunity to take exams or assessments because of financial constraints,” sabi ni Go.
“Patuloy po tayong magtulungan upang masigurong may dekalidad na edukasyon para sa bawat Pilipino,” dagdag niya.
Sinasaklaw ng SBN 1359 ang lahat ng pampubliko at pribadong institusyong pang-edukasyon, kabilang ang elementary and secondary schools, post-secondary technical-vocational institutes, at higher educational institutions.
Kasama rin dito ang lahat ng indibidwal na naka-enroll sa K to 12 Basic Educational Program, certificate, diploma, o degree programs ng higher educational institutions, o short-term courses na inaalok ng technical-vocational training institute.
Sa kanyang co-sponsorship speech, sinabi ni Go na ang ‘no permit, no exam policy’ ay nagdaragdag ng pasanin sa mga magulang at nanggigipit sa mga mag-aaral na dapat ay nakatutok sa pag-aaral.
“Kailangan po natin tanggalin ang ganitong klaseng burden sa students at kanilang mga magulang. The primary objective of schools is to provide learning opportunities for the development of the students’ intellectual, moral, physical and cultural aspects,” ani Go.
Inamin niya na ang ekonomiya ng Pilipinas ay nananatiling mahina dahil sa mga natural na kalamidad at pandemya ng COVID-19 na nagpahirap sa mga mag-aaral at kanilang magulang na magbayad ng matrikula at iba pang bayarin sa paaralan.
“[H]ammered by natural disasters and COVID-19, our Philippine economy remains to be more vulnerable. It is understandable that students and their parents struggle to pay tuition and other school fees,” ayon sa senador.
Sa ilalim ng batas, ipinagbabawak sa institusyong pang-edukasyon, pampubliko o pribado, na magpataw ng patakarang pumipigil sa mga mag-aaral na may natitirang obligasyon sa pananalapi na kumuha ng eksaminasyon o anumang anyo ng pagsusulit sa edukasyon.
Gayunpaman, ang mga mag-aaral at/o ang kanilang magulang o legal guardian ay dapat gumawa ng promissory note na nagsasaad na ang hindi pa nababayarang obligasyon ay kailangang ayusin sa pinagkasunduang petsa.
“Naiintindihan naman natin, kailangan din ng mga paaralan ang stable finances to continue operating. Kailangang balansehin din po. Pero ang primary goal naman talaga nila is to provide education first, (aside from doing) business,” sabi ni Go.
Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, ang pangunahing interes ni Go ay ang pisikal at mental na kalusugan ng mga mag-aaral.
“Dapat hindi malipat sa kanila ang burden. Lagi po nating unahin ang kapakanan ng ating mga estudyante bago ang lahat,” ani Go. RNT
Russia rumesbak sa pagpapaaresto kay Putin; Criminal probe ikinasa vs ICC

March 21, 2023 @1:50 PM
Views: 19