DepEd, makikipag-ugnayan sa Kongreso para sa ‘no permit, no exam’ rule

March 21, 2023 @3:56 PM
Views: 4
MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Education (DepEd) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa Congress proceedings na may kaugnayan sa prohibisyon o panukalang nagbabawal sa “no permit, no exam” policy sa lahat ng public at private educational institutions.
“Let us wait for the discussions doon sa Congress with regards doon sa mga batas,” ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa isang ambush interview nang hingan ng komento ukol sa third at final reading approval ng Senate Bill 1359 na nagbabawal sa mga eskuwelahan mula sa hakbang na huwag payagan ang mga estudyante na kumuha ng pagsusulit dahil hindi pa bayad ang kanilang tuition at iba pang bayarin.
“The Department of Education fully commits to participate sa lahat ng mga patawag at mga hearings na ginagawa ng Congress,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, plano naman ng DepEd na mag-hire ng mas maraming bagong guro taun-taon upang matugunan ang kakulangan sa teaching personnel.
“The plan is…meron talagang i-hire every year, as well as the other track we are pursuing, kasi hindi naman natin ma-hire lahat ng pangangailangan natin, is to amplify the best teachers that we have [using technology],” ayon kay Duterte.
Nauna rito, inamin naman ni DepEd spokesperson Atty. Michael Po na kabilang sa mga hamon na kanilang kinhaharap sa kasalukuyang academic year ay ang kakapusan sa guro, bukod pa sa kakulangan sa school infrastructure at furniture.
Kaya nga aniya para sa School Year 2023-2024, plano ng DepEd na mag-hire ng 10,000 na mga guro.
Taong 2022, nagawa ng DepEd na tumanggap ng kabuuang 11,580 na mga guro.
Sinabi pa ni Duterte na handa ang DepEd na makipagtulungan sa ibang local government units (LGU) para mag-alok ng housing projects sa mga guro.
Aniya, ang papel ng mga guro sa inisyatibang ito ay magbigay ng listahan ng mga kuwalipikadong teacher beneficiaries sa LGUs.
Sa ulat, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang nagbabawal sa “no permit, no exam” policy at ang pagsuspinde sa pagbabayad ng student loan sa tuwing may kalamidad at national emergencies.
Pumabor lahat ang 22 senador na present sa plenary session bilang pagsuporta sa Senate Bill Nos. (SBNs) 1359 (‘No Permit, No Exam’ Prohibition Act), at 1864 (Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act).
Layunin ng SBN 1359 na ipagbawal ang ‘No Permit, No Exam’ na tutol sa mga estudyante na kumuha ng exam dahil sa hindi nabayarang obligasyon kabilang na ang tuition at iba pang school fees sa publiko at pribadong eskuwelahan.
Sa kabilang dako, nakiisa naman si Duterte sa groundbreaking ceremony ng 12-storey residential building project para sa mga Quezon City school teachers.
UAAP: NU silat sa FEU-Diliman sa men’s volleyball

March 21, 2023 @3:51 PM
Views: 12
MANILA – Sinungkit ng Far Eastern University (FEU)-Diliman ang tagumpay sa iskor na 25-13, 25-13, 25-17 laban sa National University (NU) Nazareth School para angkinin ang UAAP Season 85 boys’ volleyball championship, Martes sa Paco Arena .
Ito ang kauna-unahang titulo ng FEU-Diliman sa boys’ volleyball, at nakuha nila ito sa pamamagitan ng pagpapatalsik sa Bullpups. Ito ay isang come-from-behind na tagumpay para sa Baby Tamaraws, na natalo sa Game 1 bago nanalo sa susunod na dalawang laro ng best-of-3 series.
Solid si Rhodson Du-ot sa pag-orkestra ng laro para kina Amet Butuin at Andrei Delicana para tulungan ang FEU-Diliman na magwagi sa do-or-die match.
Isang taga-Bacolod City, nakuha ni Du-ot ang Finals MVP honors.
“Ibinigay namin ‘yung best namin,” ani Du-ot. “Katulad ng sinabi ko sa kanila na walang makakatalo sa masipag, kaya sinipagan namin hanggang matapos ang laro.”
“Ginagawa kong motivation ‘yung mga taong sumusuporta sa amin para maging mas malakas,” he added.
“Hindi ko nakuha ‘yung Best Setter, mas pinatunayan ko sa finals na kayang-kaya kong kunin iyon. Kaya nakuha ko ‘yung Finals MVP po,” the Grade 11 playmaker added.
Nauna nang napanalunan ng FEU-Diliman ang high school football at basketball crowns.
Sa likod ng kabayanihan ni Bituin, naitabla ng Baby Tamaraws ang serye noong Lunes sa 23-25, 25-22, 25-14, 19-25, 15-13.JC
Para iwas bias, duda sa Degamo slay, NegOr prosecutors papalitan ni Remulla

March 21, 2023 @3:42 PM
Views: 10
MANILA, Philippines – Pinaplano ni Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na palitan ng DOJ ang mga tagausig sa Negros Oriental para alisin ang anomang pagkiling at pagdududa sa imbestigasyon sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.
Nang tanungin ang kalihim kung gaano karami ang papalitang tagausig, sinabi naman ni Remulla na “ss many as necessary”.
Ipinaliwanag niya na ang hakbang ay kinakailangan upang maalis ang posibleng pagkiling at pagdududa ng publiko ukol sa kaso dahil si Degamo ay nagbibigay ng allowances sa mga piskal.
Samantala, itinanggi ni Remula ang anomang coverup matapos ibasura ng DOJ ang reklamong illegal possession of firearms laban kay Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Idinawit ng mga naarestong suspek si Teves bilang mastermind sa likod ng pagpatay sa gobernador.
Sinabi naman ni Special Task Force Degamo head Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang pagpaslang kay Degamo ay nakaapekto sa turismo sa probinsya.
Nauna nang ipinag-utos ni Abalos ang pagpalit sa mga tauhan ng pulisya sa Negros Oriental.
Bukod dito, nagpakalat din ng military upang i-secure ang probinsya at mahanap ang natitira pang suspek sa pagpatay kay Degamo .
Una nang sinabi ng DOJ na tinitignan ang mahigit 10 ulat ng mga pagpatay sa Negros Oriental. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Senado bukas sa Cha-Cha discussion sa Kamara

March 21, 2023 @3:39 PM
Views: 14
Matinding sinopla ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Cavite Rep. Elpidio Barsaga Jr., sa paglalahad ng sentimyento sa publiko hinggil sa Charter Change.
Kasabay nito, inihayag din ni Zubiri na bukas ang Senado sa pagkakaroon ng caucus hinggil sa Charter Change na isinisulong ni Sen. Robin Padilla kahit walang suporta sa mayorya ng Senado.
Aniya, dapat nakasentro lamang ang Charter Change sa economic provisions ng Saligang Batas taliwas sa panamaw ni Padilla na maaaring galawin ang political provision kung gusto ng publiko.
“My open-mindedness is for us to discuss this issue. We’re not closing our doors for discussion. We’re not closing our doors for that meeting. It does not mean that my position has changed. It only means that we want to discuss further with them how to proceed with [this],” ayon kay Zubiri.
Nitong Biyernes, sinabi ni Barsaga na dapat pag-usapan at ayusin sa pribado ang anomang sigalot sa charter change sa halip na magsagutan sa publiko.
Nilinaw din ni Zubiri na pinigilan niya si Padilla na imbitahan ang lider ng Mababang Kapulungan sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revisions of Codes, nitong Lunes.
Ayon kay Zubiri, bilang tradisyon, hindi iniimbita ng Senado ang kasalukuyang miyembro ng Kongreso bilang resource person dahil kailangan bigyan sila ng parliamentary courtesy, bilang miyembro co-equal branch ng gobyerno.
Iginiit ni Zubiri na bilang neophyte senator kay Padilla “may not yet be fully abreast with the traditions and practices of both chambers.”
“This tradition is to protect him and his committee as well as we want to avoid a scenario in which conflicting opinions and heated arguments may take place, putting the chairperson in a bind, particularly on how to rule on such discussions,” ayon kay Zubiri.
Hindi umano hahadlangan ng Senado ang anumang pagdinig nh komite. RNT
Tag-init nagsimula na – PAGASA

March 21, 2023 @3:26 PM
Views: 16