UAE, Saudi Arabia, US pinasok na ng Omicron variant

UAE, Saudi Arabia, US pinasok na ng Omicron variant

December 2, 2021 @ 10:01 AM 2 months ago


CAIRO, Egypt – Inanunsyo ng United Arab Emirates (UAE), United States of America, at Saudi Arabia ang kanya-kanyang unang kaso ng Omicron COVID-19 variant.

Sa UAE nakita ang Omicron sa isang African woman na dumating sa bansa, habang sa Saud Arabia naman ay mula sa isang Saudi national na nanggaling naman sa north African country.

Habang sa Amerika naman, natukoy nito ang unang kaso ng Omicron variant mula sa fully vaccinated na pasyente na bumyahe sa South Africa.

Sinabi naman ng siyentipiko sa US na walang booster shot ang nasabing pasyente.

Bukod sa mga nasabing bansa, nakapagtala na rin ng Omicron cases sa Canada, Australia, Japan, Hong Kong, Israel at Europe. RNT