UB grad topnotcher sa criminologist licensure examination

UB grad topnotcher sa criminologist licensure examination

January 20, 2023 @ 8:07 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanguna ang University of Baguio graduate mula sa 33,489 na kumuha ng criminologist licensure examination.

Ayon sa  Professional Regulation Commission (PRC), 11,098 lamang sa mga kumuha ng pagsusulit ang nakapasa na pinangasiwaan sa 23 testing centers sa buong bansa noong nakaraang buwan.

Kinilala ang topnotcher na si Narcilisa Ponase Talipnao, isang UBian, na nakakuha ng 91.6%.

Ang top performing school o nangungunang paaralan na may 50 o higit pang mga kumukuha ng pagsusulit ay ang Tarlac State University (Tarlac College of Technology), lahat ng 87 examinees ay nakapasa. Jocelyn Tabangcura-Domenden