Udenna Corp., itinangging interesadong bilhin ang ABS-CBN frequencies

Udenna Corp., itinangging interesadong bilhin ang ABS-CBN frequencies

July 15, 2020 @ 5:55 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinasinungalingan ng Udenna Corporation nitong Miyerkoles ang pahayag na interesado itong bilhin ang freqencies ng ABS-CBN kasunod ng shutdown ng kompanya.

“It has come to our attention that there have been certain speculations going around on social media saying that the Udenna Group is associated with a reported broadcasting entity interested in acquiring the broadcast frequencies left behind by ABS-CBN,” ayon sa pahayag ng Udenna Group sa website nito. “These are unfounded and completely false.”

“We in Udenna have been consistent in stating that our priorities do not include broadcasting,” dagdag pa ng kompanyang itinayo ni Davao-based businessman Dennis Uy.

Kasunod ng pagbasura sa hiling na bagong prangkisa ng ABS-CBN, ilang netizen ang nagsabing mabibili ang channel frequencies ng broadcasting corporation.

Nauna nang itinanggi ng negosyante na planong bilhin ng kompanya nito ang network at sinabing hindi bahagi ng corporate direction nito ang broadcasting.

Matatandaang nag-off air ang ABS-CBN nitong Mayo kasunod ng pagkakapaso ng lisensya nito. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...