UFC balik-Asia sa 2021

UFC balik-Asia sa 2021

January 13, 2021 @ 8:53 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

UNITED STATES – Sinisilip ng world’s premier mixed martial arts promotion na UFC ang muling pagdaraos ng mga event sa Asya ngayon taon.

Ayon kay UFC President Dana White, umaasa ang organisasyon na maikasa ang laban sa pagitan nina UFC women’s strawweight world champion Zhang Weili kontra kay ex-champion Rose Namajunas sa hindi pa napagdedesiyunang petsa at venue.

“We’re working on her (Zhang) too. Obviously, the fight everybody wants to see is her and Rose [Namajunas],” ani White.

 “Hopefully we can get that done. If not, the next one in line would probably be Carla Esparza. We’re looking to do that fight this year and in Asia.”

Huling nagdaos ng event sa Asya ang UFC sa Fight Night: Maia vs. Askren sa Singapore Indoor Stadium noong October 2019.

Samantala, huling lumaban naman ng 31-year-old Chinese champion noong March 2020 kontra kay Joanna Jedrzejczyk sa UFC 248 kung saan nagwagi ito via split decision.

Habang unti-unti nang pinapapasok ng UFC ang audience sa venue ng kanilang mga laban, pinag-aaralang mabuti ng UFC kung paano nila ikakasa ang laban ni Zhang na sikat na sikat sa China. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...