UFC heavyweight world champ Ngannou babalik sa Disyembre

UFC heavyweight world champ Ngannou babalik sa Disyembre

June 28, 2022 @ 4:29 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Target ni UFC heavyweight world champion Francis Ngannou na lumaban sa Disyembre o kaya ay sa unang quarter ng 2023.

Ang 35-taong-gulang na si Ngannou, 17-3 bilang isang propesyonal na mixed martial artist, ay huling nakakita ng aksyon noong Enero laban kay Ciryl Gane sa UFC 270 kung saan siya ay nanalo sa pamamagitan ng unanimous decision.

Kinailangan niyang sumailalim sa operasyon ilang sandali matapos ang laban dahil sa isang pinsala sa ACL at MCL, at ngayon ay maghahanda na siya para sa laban sakaling makakuha  ng medical clearance.

“It is getting better. It’s pretty good, it wasn’t easy, but we’re getting there. It’s been only three months, so yes, I’m still doing physical therapy,” sabi ni Ngannou .

“If everything goes well I will be ready by the end of the year because it is going to be nine months. Let’s say late December or early next year.”RICO NAVARRO