UFCC sa DICT: Delivery firm tanggalan ng lisensya   

UFCC sa DICT: Delivery firm tanggalan ng lisensya   

August 25, 2022 @ 7:37 PM 1 month ago


Manila, Philippines-Nagsampa ng kaso ang United Filipino Consumers and Commuters sa Department of Information and Communications Technology para tanggalan ng lisensya ang J&T at mga franchise partner nito dahil sa umano’y labor at operations malpractice na labag sa batas.

Isinagawa ito ng UFCC ilang linggo matapos ang inaugural State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng digitalization sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng logistics at supply chain space para sa ikauunlad ng bansa.

Ang UFCC ay isang advocacy group na nagpoprotekta sa karapatan ng mga mamimili at tumatayong intermediary sa

pagitan ng gobyerno at ng publiko sa pamamagitan ng pagsusulong ng policy at regulatory reforms.

Kasama sa adbokasiya ng grupo ang

subaybayan ang mga aktibidad ng iba’t ibang logistics providers sa bansa sa gitna ng pagbaha ng mga reklamo mula sa mga mamimili at nagbebenta.

“Nananawagan kami kay Pangulong Bongbong Marcos na silipin ang mga iregularidad na

umano’y pinalalaganap ng J&T,” sabi ni former Congressman at UFCC national advisor Jonathan Dela Cruz.

Ayon sa consumer group, minamaliit ng J&T ang pagsisikap ng DICT sa pag-regulate ng postal delivery service at inilalagay nito sa panganib ang kaunlaran at katatagan ng Philippine digital economy na isa sa mga kritikal na sektor para sa economic recovery plans ng bansa.

“Bilang ang serbisyo ng J&T at kalat na kalat sa buong bansa ang paulit-ulit na paglabag nito sa Postal Service Act at iba pang mga batas ay sapat na batayan para bawiin ang ‘Authority to Operate Express and/or Messenger Delivery Service’ nito,”  ayon kay Dela Cruz.

Sa kanilang reklamo sa DICT, hiniling ng UFCC na imbestigahan ng gobyerno ang

operasyon ng J&T at ng franchise partners nito na patuloy umano sa pagnenegosyo nang walang kaukulang franchise permits.

“Sa kawalan ng legal accreditation, kawawa ang mga mamimili sa mga negosyong ito. Wala silang puwedeng takbuhan kung nasira

ang mga pinamili nila. Mahirap kilalanin ang

mga salarin kung kulang-kulang ang mga dokumento na puwedeng ma-access ng publiko,” sabi ni Dela Cruz.

Noong nakaraang taon ay inatasan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation at ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group na imbestigahan ang J&T. Inutusan din niya  ang Bureau of Internal Revenue na siyasatin kung nagbabayad ng tamang buwis ang J&T.

Gayunman, tumatakbo pa rin ang negosyo nito nang walang pagbabago at laganap pa rin ang mga reklamo. Kasama na rito ang mishandling of parcels na nakasisira sa mga produktong ipinamili, mga kontrabando na natagpuan sa loob ng J&T property, mga nawawalang parcels, overcharging sa delivery fees, maling paggamit ng pribadong

impormasyon ng mga kustomer, at hindi makatarungang mga polisiya sa trabaho.

Noong 2020, kinumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 12 kilo ng methamphetamines na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P81.6 million sa isang warehouse na pagmamay-ari ng J&T.

Noong nakaraang Hunyo, nagwelga ang workers’ union ng J&T na United Rank and File Employees  upang manawagan para sa mas maayos na labor conditions, tamang pagbabayad ng overtime pay, at pagbibigay ng kaukulang health benefits. Inireklamo rin ng mga nagprotestang manggagawa ang umanoý forced labor, mga hindi nababayarang overtime pay at tuluyang pagbabawas ng allowance para sa mahahabang biyahe at para sa mga pagkakataong sila ay stranded habang may delivery.

Dati nang hinimok ni Senadora  Risa Hontiveros ang Department of Labor and Employment na mag-isyu ng mga alituntunin na tutugon sa mga terms of employment and labor standards para maprotektahan at maisulong ang kapakanan ng mga delivery rider.

Inaasahan na sa 2025, papantayan ng mga

parcel ang dami ng mga sulat na ipinadadala. Mas bibilis ang digitization ng bansa patungo sa isang digital economy kung mas mapapabuti ang logistics and supply chain.

Idinagdag pani Dela Cruz na babantayan nila ang operasyon ng ibang logistics providers para siguraduhing lahat ay sumusunod sa batas at para patibayin ang industriya. RNT