UFC: Fil-Am fighter Striegl handa na vs Nurmagomedov

UFC: Fil-Am fighter Striegl handa na vs Nurmagomedov

October 17, 2020 @ 9:08 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

ABU DHABI, UAE – Tuloy na ang Ultimate Fighting Championship debut fight ni Filipino-American mixed martial arts fighter Mark Striegl kontra kay Said Nurmagomedov matapos itong pumasa sa ginanap na weigh-in ng UFC Fight Night: Ortega vs. The Korean Zombie na gaganapin sa Fight Island sa Abu Dhabi bukas (Linggo).

Pumalo sa 136 pounds ang timbang ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist na mula sa Baguio City habang ang kanyang kasagupang si Said Nurmagomedov ay pumalo sa bigat ding 136 pounds.

Orihinal na nakaiskedyul si Striegl, 32, na sumabak sa UFC noong August pero tinanggal sa undercard matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Nagwagi ito ng apat sa lima nitong laban at may hawak na professional MMA record na 18-2-1.

Sa main event, pasado rin at handa na sina Brian Ortega at The Korean Zombie na parehong pumalo sa 146 pounds ang timbang. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...