UFO sightings dumami sa loob ng 20 taon – Pentagon

UFO sightings dumami sa loob ng 20 taon – Pentagon

May 18, 2022 @ 10:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naiulat ang tumataas na bilang ng unidentified flying objects sa kalangitan sa loob ng 20 taon, ayon sa top US defense official sa mga mambabatas nitong Martes sa unang public hearing sa UFOs sa loob ng kalahating siglo.

“Since the early 2000s we have seen an increasing number of unauthorized and/or unidentified aircraft or objects in military controlled training areas and training ranges and other designated airspace,” pahayag ni Scott Bray, deputy director ng Naval intelligence, sa isang House security panel.

Iniugnay ni Bray ang pag-igting sa pagsisikap ng US military nai-destigmatize ang pag-uulat ng ng mga namamataang UFO sa technological advances.

Subalit aniya, wala namang naadiskubre ang Pentagon “that would suggest it’s anything non-terrestrial in origin” sa likod ng kaganapang ito.

“We’ve made no assumptions about what this is or isn’t,” ani Bray.

Ilan sa mga naiuulat na namamataan sa kalangitan ay dahil sa presenya ng drones o mga ibon na nagiging sanhi ng kalituhan sa radar systems ng US military.

Samantalang ang iba ay mula sa tests ng military equipment o teknolohiya ng ibang bansa gaya ng China at Russia.

“Unidentified Aerial Phenomena are a potential national security threat. And they need to be treated that way,” ani Democratic Representative Andre Carson ng Indiana, na nangunguna sa panel na nagsasagawa ng hearing. RNT/SA