Uganda may 6 bagong kaso ng Ebola – WHO

Uganda may 6 bagong kaso ng Ebola – WHO

September 23, 2022 @ 12:02 PM 3 days ago


UGANDA – Nakapagtala ng anim na karagdagang kaso ng Ebola ang Uganda.

Ito ang ibinahagi na impormasyon ng World Health Organization nitong Huwebes, Setyembre 22 matapos maitala rin ng bansa ang kauna-unahang nasawi dahil dito.

Sa huling ulat ay nagdeklara na ng Ebola outbreak ang health ministry ng Uganda sa central district nito na Mubende.

“So far, seven cases, including one death, have been confirmed to have contracted the Sudan ebolavirus,” batay sa pahayag ng WHO.

“Forty-three contacts have been identified and 10 people suspected to have caught the virus are receiving treatment at the regional referral hospital in Mubende,” dagdag pa.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang matinding surveillance, treatment at preventive measures sa Uganda upang maiwasan na mas kumalat pa ang Ebola sa bansa.

Ang ebola ayon sa WHO ay nakamamatay at mataas ang death rate sa mga tinatamaan nito.

Unang natuklasan ang nasabing sakit noon pang 1976 sa Democratic Republic of Congo mula sa mga paniki at kumitil na ng buhay ng mahigit 15,000. RNT/JGC