Ugat ng pambubugbog ni Kit, inihayag na!

Ugat ng pambubugbog ni Kit, inihayag na!

March 23, 2022 @ 8:00 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Bagama’t laya na on bail, malamang daw ay lumambot ang puso ni Ana Jalandoni para patawarin ang nobyong si Kit Thompson.

Si Kit ang sinasabing nambubugbog kay Ana na sinaklolohan ng Tagaytay Police sa hotel kung saan siya bibugbog at ikinulong nitong nagdaang araw, ayon sa report.

Natuklasan na nagselos umano si Kit sa pangungulit ng dating asawa ni Ana.

Aware daw ang aktor na may dating karelasyon ang nobya.

Sa kuwento ni Ogie Diaz sa kanyang vlog, ibinahagi niya ang minsang pag-uusap nila ni Ana.

Naganap ang kuwentuhan sa Korean resto business ni Ana, kung saan pinayuhan ito ni Ogie nang malamang taga-showbiz din ang nobyo.

Payo ni Ogie kay Ana, huwag nitong ibuhos ang lahat kay Kit. Pinag-ingat din niya ito.

Walang kamalay-malay ang mga kaibigan ni Ana na hahantong sa pambubugbog ang lahat.

In her words naman sa social media, may himig ng pagpapatawad ang mga binitawan ni Ana para kay Kit.

To forgive, yes. Pero ibang usapan na kung tatanggaping muli ni Ana ang nobyo.

Hindi nga naman malayong maulit ang kasaysayan. Ronnie Carrasco III