Uge, hindi nagpapautang pero namimigay ng pera!

Uge, hindi nagpapautang pero namimigay ng pera!

March 3, 2022 @ 7:01 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang magaling at award-winning actress na si Eugene Domingo sa kanyang YouTube channel.

Pagbabalik-tanaw ni Uge, pinaka-significant daw para sa kanya ang kanyang first acting job sa isang indie film na “Divided by Two” kung saan nakasama niya si Charo Santos at idinirek ng namayapang National Artist for Film na si Ishmael Bernal.

Nang makita raw ni Bernal ang kanyang ayos sa set, minanduhan daw siya nitong baguhin ang kanyang itsura kaya pinagmukha raw siyang madungis sa pelikula.

Pero nang makita raw niya ang finished product, nagulat daw siya dahil tanging kamay at ang hawak niyang sulat lamang ang nakita sa pelikula kaya feeling niya ay parang napagtripan siya ng nasabing director.

Itinuturing din niyang lucky siya dahil ang first movie niya kung saan siya bida ay blockbuster na agad.

Ganoon din daw ang nangyari sa kanyang succeeding movies tulad ng Kimi Dora series.

Tungkol naman sa kanyang paniniwala sa katanyagan, nakaguhit daw ito sa kapalaran ng isang tao.

Para naman sa awards, these citations are meant to be kept daw para maalala mo ang mga taong kumilala sa iyong talento.

Sa usapin ng pera, hindi rin daw siya iyong tipong greedy.

Katunayan, hindi nga raw siya nagpapautang at ibinibigay na lamang ito sa nangangailangan depende sa laki ng halaga.

Swerte rin daw siya sa pag-ibig dahil dumating ang kanyang Italian boyfriend at avid fan na si Danilo Bottoni sa panahong hindi niya inaasahan.

Kapag daw walang nakatingin, nag-eenjoy lang daw siya sa paglalaro ng games sa kanyang gadget.

Off camera, she and Danilo could be caught hugging, kissing and biting each other.

When no one is watching, she’s also scared about the thoughts of death and of not being free. Archie Liao