Ugnayan ng BIR, JICA palalakasin

Ugnayan ng BIR, JICA palalakasin

January 31, 2023 @ 5:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakipagkita ang mga opisyal ng Bureau of International Revenue sa mga tauhan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) upang mas palakasin pa ang ugnayan ng mga ito.

Sa inilabas na larawan, makikita na nakipag-usap si newly appointed BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. kay JICA Chief Representative Sakamoto Takema.

Pinag-usapan sa naturang pagpupulong ang proposal ng JICA ng institusyonalisasyon ng intensive Transfer Pricing Team sa kagawaran.

“The main frameworks of the work plan for the proposed institutionalization of an International Taxation Service was thoroughly discussed, which included the actual Transfer Pricing practice and conduct of capacity development in collaboration with other donors, such as Asian Development Bank (ADB), Organization for Economic Co-operation and Development (OECD), among others,” ayon sa BIR.

Nagsasagawa ang JICA at Asian Development Bank ng interactive workshop sa Mutual Agreement Procedure para sa BIR sa Pebrero upang turuan ang mga revenue personnel sa Advance Pricing Arrangement at Transfer Pricing Assessment.

Ang JICA ang isa sa pinakamalaking multilateral lender partners ng Pilipinas na sumusuporta sa iba’t ibang proyekto nito katulad ng
Metro Manila Subway. RNT/JGC