Ugnayan ng PCG, Chinese Coast Guard mas pagtitibayin

Ugnayan ng PCG, Chinese Coast Guard mas pagtitibayin

June 2, 2022 @ 3:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Bumisita  si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M Abu sa National Headquarters nito sa Port Area, Manila ngayong Huwebes.

Ikinatuwa naman ni Abu ang pagbisita ng ambassador na aniya ay isang karangalan.

Sinabi ng kumandante na ang pagbisita ng ambassador ay layon na magkaroon ng diskusyon at kooperasyon sa pagitan ng PCG at Chinese coast guard.

Sa kanilang pag-uusap, umaasa si Abu sa palitan ng pananaw hinggil sa posibilidad ng capacity building activities ng PCG at CCG para mapalakas ang samahan at kumpyansa sa isat isa ng dalawang organisasyon na magtutulak naman ng kapayapaan sa rehiyon.

Umaasa rin si Xilian ng mas makabuluhang diskusyon at developments para sa mga susunod na kolaborasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden