Ugnayan ng Pinas at Japan, palalakasin pa ni PBBM

Ugnayan ng Pinas at Japan, palalakasin pa ni PBBM

November 4, 2022 @ 9:36 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang intensyon na mas palakasin pa ang pakikipagtulungan sa Japan sa iba’t ibang larangan ng mutual interest.

Ang pangako na ito ng Pangulo ay kanyang inihayag nang magsagawa ng courtesy call si Mori Masafumi, Special Advisor to Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Malakanyang.

Binanggit din ng Pangulo ang kanyang plano na paghusayin ang kooperasyon ng dalawang bansa pagdating sa climate change mitigation, maritime security, agriculture at food security, at infrastructure development.

Sinabi ni Undersecretary Cheloy Velicaria- Garafil, officer-in-charge of the Office of the Press Secretary (OPS) na nais din ni Marcos ang strategic partnership sa Japan pagdating sa usapin ng West Philippine Sea.

“Marcos said he wants to work with the Japanese government on climate change, maritime security, the West Philippines Sea, agriculture and food security, as well as infrastructure development,” winika pa nito.

Sa naging pagpupulong ng Pangulo kay Masafumi, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang Japan ay mananatiling malapit na katuwang ng bansa.

“I look forward to work closely with Prime Minister Kishida in building an even stronger strategic partnership with your country,” ang pahayag ni Pangulong Marcos, ayon sa OPS.

Bilang tugon, inulit naman ni Masafumi, ang naging kumpiyansa ni Kishida kay Marcos at sa administrasyon nito.

Inulit din niya ang “strong commitment” ni Kishida na ituloy ng dalawang bansa ang mutual high-level engagements at bilateral platforms bilang pagsusulong sa pinalakas na strategic partnership.

“Masafumi said his country looks forward to continuing its tie-up with the Philippine government in various areas of cooperation, particularly in infrastructure development,” ayon kay Velicaria- Garafil.

Muli namang inimbitahan ng Japan ani Masafumi si Pangulong Marcos na simulan na ang state visit sa Japan.

Lumipad patungong Pilipinas si Masafumi para dumalo sa 13th High-Level Joint Committee Meeting on Infrastructure Development and Economic Cooperation.

Bago pa ang pakikipagpulong ng Pangulo kay Masafumi, pinasalamatan ng Chief Executve ang Japan para sa pakikipagsosyo sa Pilipinas para isulong ang infrastructure development projects.

Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang Japan International Cooperation Agency sa pagbibigay ng financial support para sa implementasyon ng apat na istasyon ng Metro Manila Subway-Contract Packages 102 at 103. Kris Jose