Ugnayan ng Pinas at Laos oras nang palakasin-PBBM

Ugnayan ng Pinas at Laos oras nang palakasin-PBBM

December 6, 2022 @ 11:49 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kapwa sumang-ayon ang Pilipinas at Laos na “i-explore” ang mas malakas na relasyon sa iba’t ibang larangan partikular na sa agrikultura at people-to-people exchange.

Ito’y matapos na tanggapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang credentials ni Lao Ambassador to the Philippines Sonexay Vannaxay sa isang seremonya sa Malakanyang.

“It is time to explore our relationship between Lao PDR [People’s Democratic Republic] and the Philippines. I think it’s time to explore a stronger bilateral relationship. Since we are from the same region, there are many areas of which we have the same interests and the same difficulties, and the challenges we face,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo kay Vannaxay na prayoridad ng kanyang administrasyon ang mas mapabuti pa ang Philippine agriculture sector at welcome naman dito ang makipag-kolaborasyon at makipagtulungan.

Tinukoy ng Pangulo ang kamakailan lamang na pagbisita niya sa International Rice Research Institute (IRRI) sa Los Baños, Laguna, binigyang -diin nito ang hangarin na iangat ang kasalukuyang kondisyon ng rice industry at itulak para sa tinatawag na “sustainable rice value chains.”

“We can start the agricultural exchanges in the exchange of technology, transfer of technology. And perhaps from there, we can do more,” dagdag na wika nito.

Gayundin, tinukoy ng Chief Executive ang “great potential and a promising future” para sa Pilipinas at Laos sa aspeto ng kalakalan.

“We have already passed the trade levels during the pre-pandemic [period]. So we are doing more trade now than we were in 2019. So I think that’s a healthy sign that now we are back and we can continue to grow the trade relations. It seems natural because we are such close neighbors,” aniya pa rin.

Pinag-usapan din aniya nila ng Lao envoy ang pagsisikap na palakasin ang people-to-people ties.

“I think if there is exposure, especially to younger people, then it’s a way to introduce the Philippines also, so that will make our people-to-people exchange grow,” anito.

Para naman kay Vannaxay, pinuri nito ang “good relations” pagdating sa “diplomatic at political affairs” ng Manila at Vientiane.

“Since the establishment of our diplomatic ties over six decades, our two countries have maintained good relations in diplomatic and political affairs, as well as supporting each other in regional and international fora,” ayon kay Vannaxay.

Hiningi din nito ang tulong ng Pilipinas pagdating sa sektor ng pangkalusugan partikular na sa pagsasanay ng mga nursing professionals.

“I would like to take this opportunity to express our sincere gratitude to the Philippines for helping us in many areas… Help us in training the sectors of diplomat, as well as nursing and health areas,” aniya pa rin.

Sa ulat, pormal na itinatag ng Pilipinas ang diplomatic relations nito sa Laos noong Enero 14, 1955.

Ang Pilipinas at Laos ay kabilang sa 10 member-states ng Association of Southeast Asian Nations.

Ang iba pang member states ay kimnabibilangan ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam. Kris Jose