Ugnayan sa Cambodia palalakasin ni PBBM

Ugnayan sa Cambodia palalakasin ni PBBM

August 21, 2022 @ 8:42 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palalakasin at palalawakin pa niya ang relasyon ng Pilipinas at Cambodia kasabay ng pagdiriwang ng ika-65 taon ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Sa kanyang naging liham kay Cambodian King Norodom Sihamoni na may petsang Agosto 20, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang hangarin nito na palakasin ang “enduring friendship” sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.

“I am committed to further strengthening and expanding our partnership and cooperation, as both our countries strive towards greater economic and social development for the benefit of our peoples,” ayon kay Pangulong Marcos.

Itinatag ng Pilipinas at Cambodia ang kanilang official diplomatic relations noong Agosto 20, 1957.

Sinabi ni Pangulong Marcos, habang ang diplomatic ties ng dalawang bansa ay naisa-pormal noong 1957, ang unang naging pagbisita ng kanyang Kamahalan King Norodom sa Pilipinas noong 1872 ay nagtatag sa ugnayan ng dalawang bansa at mamamayan nito.

“Our ties have developed steadily through the years, with sustained bilateral engagements in the political, security, economic, socio-cultural and educational areas, and cooperation in regional and international fora. Our people-to-people exchanges also continue to add strength to our enduring friendship,” ayon sa Pangulo.

Ipinaabot din ng Pangulo kay Sihamoni ang kanyang ” best wishes” para sa “continued good health and happiness” nito. Kris Jose