Ugnayan sa France sa nuclear energy sinisilip ni PBBM

Ugnayan sa France sa nuclear energy sinisilip ni PBBM

November 19, 2022 @ 2:04 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinitingnan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pakikipag-ugnayan sa bansang  France pagdating sa nuclear energy.

Sa katunayan, tinanong ni Pangulong Marcos ang France kung paano makikipag-partner ang kanyang gobyerno at  paganahin ang generation at gamitin ang nuclear energy sa PIlipinas.

Ang  posibleng partnership sa pagitan ng Maynila at Paris ay nabanggit sa idinaos na  bilateral meeting ng Pangulo kay French President Emmanuel Macron  sa sidelines ng  Asia Pacific Economic Cooperation summit na idinaos sa Thailand.

“I’m very confident that it will be a strong partnership simply because they have up to 67 percent of their power production is from nuclear energy so they are very, very used to it,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nagbigay naman ng iba pang detalye si Pangulong Marcos ukol sa kanyang nuclear talks kasama ang bansang  France, ito man ay may kinalaman sa French energy companies na nago-operate sa Pilipinas o kung sasanayin ng European nation ang mga filipino sa paggamit ng nuclear energy.

Nauna nang binanggit ng Pangulo na mahigit sa kalahati ng energy mix ng France ay mula sa nuclear power sources.

Tinatayang 84% ng Électricité de France (EDF), isa sa pinakamalaking nuclear energy companies sa buong mundo ay kontrolado ng  French government, ayon sa Renewable Energy Institute (REI).

“In February 2022, “French President Macron announced his optimistic intention to extend the lifetime beyond 50 years of all the country’s existing reactors and to build 6 to 14 new large reactors as well as some small modular reactors,” ayon sa REI.

Samantala, tinalakay din nina Pangulong  Marcos at Macron ang posibleng kasunduan  sa sektor ng agrikultura at tanggulan.

“So there are increased involvement in exercises, there are increased presence in the Asia Pacific region and all of that,”ayon sa Pangulo.

“These are the three basic areas that considered that partnerships could be explored,” aniya pa rin.

Inilarawan naman ni Pangulong Marcos ang kanyang bilateral meeting sa kanyang French counterpart bilang  “very extensive and quite productive.”

“I had a very extensive and quite productive meeting with President Macron of France and of course, we discussed some of the regional issues that are impacting upon the economy and the worries that we have for the future and the partnerships that are developing between even far off places, what we used to regard as far off places like France and the Philippines,”  anito.

“He (Macron) was also kind enough to invite me to visit France when the time comes,” wika pa ng Pangulo. Kris Jose