UK, Canada ginaya ng US sa  diplomatic protest vs China

UK, Canada ginaya ng US sa  diplomatic protest vs China

December 9, 2021 @ 4:59 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nakisimpatya na rin ang United Kingdom at Canada sa US na nagpatupad ng diplomatic boycott sa nalalapit na 2022 Beijing Winter Olympics.

Ayon kay British Prime Minister Boris Johnson, hindi nito maaatim ang nagaganap na  human rights abuse sa China.

Sinabi naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na matagal na silang nababahala sa nagaganap na pang-aabuso sa China.

Matatandaang matapos ang US ay sumunod na sa diplomatic boycott kontra China ang Australia.

Pero kahit may diplomatic protest, sinuguro naman nito na tuloy pa rin ang suporta nila sa mga manlalaro nila na sasabak sa torneyo.

Ang ibig sabihin ng diplomatic boycott ay hindi magpapadala ng kanilang mga diplomats ang naturang mga bansa pero tuloy ang pagpapadala nila ng mga atleta sa Beijing.Rico Navarro