UK variant ng COVID-19 nasa Pinas na – DOH, Genome center

UK variant ng COVID-19 nasa Pinas na – DOH, Genome center

January 13, 2021 @ 9:06 PM 8 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Opisyal nang kinumpirma ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center (PGC) ngayong gabi na mayroon nang na-detect  na B.1.1.7 SARS-COV-2 variant o UK variant sa bansa.

Mula ito sa nasuring sample mula sa isang Filipino galing sa United Arab Emirates (UAE) nitong Enero 7 na nagpositibo sa genome sequencing results.

Ang nasabing pasyente ay isang lalaki na residente ng Quezon City na umalis patungong Dubai noong Disyembre 27, 2020 para sa business purposes at dumating naman sa bansa noong Enero 7, 2021 sakay ng Emirates Flight No.EK332.

BASAHIN:

 

Sumalang ito sa swab at nagquarantine sa hotel pagdating sa bansa.

Nailabas naman ang positive test result nito kinabukasan at ang pasyente ay ini-refer sa quarantine facility sa Quezon City habang ang kanyang samples naman ay ipinadala sa PGC para sa genome sequencing.

Kasama rin ng pasyente ang kasosyo nitong babae  sa kanyang paglalakbay ngunit nasuri itong negatibo sa COVID-19 sa pagdating sa bansa pero sumalilim pa rin sa mahigipit na  quarantine  at monitoring.

Ayon sa DOH, kapwa walang exposure sa kumpirmadong kaso ang dalawang Filipino  bago sila tumungong Dubai  o anomang travel activities sa labas ng Quezon City.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing  sa tulong ng QC LGUs  at ang initial contacts ng pasyete ay asymptomatc at kasalukuyan na rin naka -home quarantine.

“The DOH continues to work closely with the QC LGU to ensure timely and effective measures are in place to mitigate transmission” ayon sa DOH.

Sinuguro din ng DOH ang flight manifest ng naturang flight para sa contact tracing ng iba pang pasahero.

Pinayuhan na rin ng DOH ang mga nakasakay sa Emirates Fligh No.EK 332 na makipag-ugnayan sa kanilang mga BHERT.

Samantala, ang lingguhang biosurveillance ng genome sa mga papasok na pasahero, local cases, re-infected patients at mga naiulat na clustering ng mga kaso ay palalaksin.

Makipag-ugnayan din ang DOH sa Department of Interior and Local Government para sa pagpapalawak ng contact tracing upang maisama ang third-generation close contacts para sa mga kilaalang kaso ng B.1.1.7

Ang lahat ng malapit na contact ng kumpirmadong mga kaso ng B.1.1.7 ay dapat ding sumilai sa mahigpit na 14 day facility based quarantine. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •