UKiss former member, Alexander Lee, muling gagawa ng proyekto sa bansa

UKiss former member, Alexander Lee, muling gagawa ng proyekto sa bansa

July 4, 2018 @ 11:57 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Babalik na sa Pilipinas ang Korean artist na si Alexander Lee para sa kaniyang upcoming project kung saan ipapakita naman niya ang kaniyang talento sa pagkanta.

Si Alexander Lee Eusebio o mas kilala bilang Xander ay dating miyembro ng South Korean boy band na UKiss.

Ayon sa isang interview, sinabi ng actor na siya ay magtatagal sa Pilipinas ng tatlong buwan.

“Last year I made everybody kilig with the drama you know and this time it’s gonna be music,” sabi ng actor.

Matatandaan na si Lee ay bumida sa isang Teleserye ka-love team ang aktres na si Heart Evangelista noong nakaraang taon.

Ayon pa kay Lee, marami raw siyang na-miss sa bansa tulad na lang ng pagkain at maging ang kaniyang dating leading lady na si Heart.

Nagpahayag naman siya ng pakikiramay sa aktres matapos mabalitaan ang pagkawala ng pinagbubuntis nitong kambal.

“I was quite worried about it but it seems right now she’s recovering and she’s enjoying her alone time in France. I think it’s very good for her,” ayon kay Lee at sinabi pang nagkita pa raw sila ni Senador Francis Escudero, mister ni Heart, noong pumunta ito sa Korea.

Sa airport, sumalubong sa aktor ang kaniyang mga fans kung saan nagkaroon sila ng photo opportunity at nakapag-autograph pa sa kaniya. (Remate News Team)