Ukraine envoy nag-sorry sa DFA sa Marcos-Zelensky call

Ukraine envoy nag-sorry sa DFA sa Marcos-Zelensky call

January 13, 2023 @ 4:41 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Humingi ng paumanhin sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes, Enero 13 si Chargé d’affaires of the Ukraine Embassy in Malaysia Denys Mykhailiuk sa nangyaring hindi pagkakaunawaan sa naging pahayag nito sa hiling ng Kyiv na magkaroon ng phone call sa pagitan ni Pangulong Volodymyr Zelensky at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Mykhailiuk, hindi siya nagrereklamo nang banggitin nito sa press briefing ngayong linggo na hindi pa sumasagot ang Manila sa hiling nito.

Idinagdag pa niya na nananatiling matibay at mabunga ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Ukraine.

“I’ve told that we would like to have some improvement on bilateral level and that’s why we do this, our request, which was sent when President Marcos was elect[ed], it’s still standing. That was the point,” sinabi ni Mykhailiuk sa panayam ng ANC.

“My dear colleagues, I apologized for any misunderstanding this might cause by not very correct or maybe misunderstood [remarks],” idinagdag niya.

“Thank you for your understanding and I would like to assure you that there is all respect from my side, and I hope of a Philippine cooperation,” pagpapatuloy pa.

Matapos nito ay tinanong naman si Mykhailiuk kung bakit hindi pa sumasagot sa request ang Pilipinas.

“You know, it’s not in the regular diplomatic practice that these explanations are given. It is usually stated that it’s under consideration,” sagot nito.

“We already found the premises. We fulfilled the needed procedures with the Department of Foreign Affairs. So, we are ready as soon as we will have budget for that,” dagdag pa niya.

Umaasa ang Ukraine na magsisilbing co-sponsor ang bansa sa peace plan na inilatag ni Zelensky sa UN kamakailan. RNT/JGC