Ukraine war pinag-usapan ng Santo Papa, French President

Ukraine war pinag-usapan ng Santo Papa, French President

October 25, 2022 @ 11:28 AM 1 month ago


VATICAN – Nakipagpulong si Pope Francis kay French President Emmanuel Macron sa Vatican nitong Lunes para sa mga pag-uusap kung saan tinalakay ang digmaan sa Ukraine.

Si Francis, ay gumagamit ng tungkod dahil sa masakit na tuhod, ngunit mukhang masayahin habang  nakikipag-usap kay Macron at nagpapakuha ng litrato kasama ang pinuno ng France at ng kanyang maybahay na si Brigitte.

Tinalakay ng dalawa ang salungatan sa Ukraine, na may espesyal na atensyon sa makataong sitwasyon sabi ng Vatican sa isang pahayag.

“Particular consideration was given to the region of the Caucasus, the Middle East, and Africa,” saad pa.

Si Macron ay ineskortan ng Swiss guards sa kanyang ikatlong pagbisita sa Vaticanula nang siya ay maging Pangulo.

Binigyan niya si Francis ng 1796 first edition French-language copy ng German philosopher Immanuel Kant’s “Perpetual Peace.”

Si Macron ay nasa Roma para sa isang interfaith summit sa kapayapaan na inorganisa ng Catholic Sant’Egidio association.

Dati niyang nakilala si Francis sa Vatican noong Hunyo 2018 at wala pang isang taon nasundan noong Nobyembre 2021.

Sa kanyang paglalakbay sa Roma, nagsagawa ng informal meeting ang pangulo ng Pransya noong Linggo ng gabi kasama ang bagong Punong Ministro ng Italya na si Giorgia Meloni. Jocelyn Tabangcura-Domenden