Ukrainian refugees welcome sa Pinas

Ukrainian refugees welcome sa Pinas

March 4, 2022 @ 8:00 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo I. Guevarra na bukas ang Pilipinas na tanggapin ang mga Ukranian refugee na lumikas sa giyera na ikinasa ng Russia.

Sa kabila nito, sinabi ni Guevarra na wala pang Ukranian national ang humihiling na magpakanlong sa Pilipians.

“Sa ngayon, walang mamamayang Ukrainian ang humingi ng asylum sa Pilipinas,” aniya pa.

“Ngunit kung mayroon man, ang kanyang aplikasyon para sa katayuan ng refugee ay susuriin alinsunod sa ating mga batas at sa kamakailang nilagdaan na executive order,” dagdag pa ng kalihim.

Noong nakaraang Pebrero 28, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order (EO) No. 163 na nagtatatag ng Inter-Agency Committee on the Protection of Refugees, Stateless Persons, at Asylum Seekers.

Si Guevarra, bilang justice secretary, ay itinalagang chairperson ng komite, habang si Secretary Rolando Joselito D. Bautista ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang vice-chairperson.

Bago ang paglagda sa EO 163, ang DOJ ay mayroon nang Refugees and Stateless Persons Unit (RSPU) na sinusuri ang mga kwalipikasyon ng isang dayuhan na nag-a-apply para sa refugee status sa Pilipinas. RNT