Ulap ng Iran, ninakaw raw ng Israel?

Ulap ng Iran, ninakaw raw ng Israel?

July 6, 2018 @ 4:25 PM 5 years ago


Iran – Kung sa pagitan ng US at China ay may trade war, away naman dahil sa ‘ulap’ ang sumiklab sa pagitan ng Israel at Iran.

Sa isang press conference, isinisisi ni Iranian Brigadier General Gholam Reza Jalali sa Israel ang nararanasang tagtuyot sa kanilang bansa.

Ayon sa B.Gen, nagtutulungan daw ang Israel at isa pang hindi na nito pinangalanang bansa para pigilan ang mga ulap na pumasok sa langit ng Iran.

Kaya naman aniya dahil dito, hindi na nakararanas ang Iran ng ulan at snow.

Itinuro pa ni Jalali na lahat ng mga bundok sa pagitan ng Afghanistan at Mediterranean ay nababalutan ng snow, maliban lang sa bansa nila.

“Foreign interference is suspected to have played a role in climate change,” paggigiit ng opisyal.

Pinabulaanan naman ito ng pinuno mismo ng Iranian meteorological service at sinabing imposible itong mangyari,  “probably has documents of which I am not aware, but on the basis of meteorological knowledge, it is not possible for a country to steal snow or clouds.”

Hindi naman ito ang unang beses na isinisi sa ibang bansa ang tagtuyot sa Iran dahil pitong taon nang nakararaan,  itinuro rin ni dating Iran President Mahmoud Ahmadinejad ang mga bansa sa Europa na gumagawa ng isang equipment na sumisipsip ng ulap.

Wala pang sagot ang Israel sa akusyasyon ng Iran. (Remate News Team)