Ulat na take over ng PAO sa Dengvaxia cases, fake news – Acosta

Ulat na take over ng PAO sa Dengvaxia cases, fake news – Acosta

December 3, 2022 @ 10:49 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Public Attorney’s Office (PAO) na “fake news” ang mga ulat na lumabas kung saan inaakusahan umano nila ang buong National Prosecution Service (NPS) na bias at may conflict of interest ang mga ito sa paghawak ng Dengvaxia complaints.

“These [reports] are fake news,” ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta.

“To clear things out, the PAO has not filed any motion in court and did not accuse the entire NPS of bias and conflict of interest. It is also not true that the PAO wants to take over the prosecution of the Dengvaxia cases,” dagdag niya.

Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Acosta na ang ginawa nila ay nagpadala sila ng liham kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na humihiling ng inhibition ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors sa paghawak ng kaso at hayaan na lamang ang Quezon City prosecutors na humawak ng mga reklamo.

“Nothing in the said motion addressed to SOJ Remulla would show that the PAO wanted to take over the prosecution of the cases. The PAO sought nothing more than to protect the DOJ from any unfair speculation, perception, and impression of prejudgment and bias,” ani Acosta.

Ang hiling ng PAO kay Remulla ay makaraang atasan si Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na manguna sa NPS.

Si Andres ay dating counsel ni former Health Secretary Janette Garin sa mga reklamo sa Dengvaxia.

Nilinaw naman ni Andres sa naunang pahayag na noon pang Hunyo, bago ito maupo bilang pinuno ng NPS ay hindi na nakikipag-ugnayan pa ang kanyang law firm kay Garin. RNT/JGC