ULAT NG BLOOMBERG WALA SA HULOG; MGA KRITIKO ‘WAG MAGSAYA

ULAT NG BLOOMBERG WALA SA HULOG; MGA KRITIKO ‘WAG MAGSAYA

October 13, 2021 @ 6:05 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

SA panukat ng pahayagang internasyonal na Bloomberg, pangalawa sa pinakakulelat sa 53 bansa ang mahal kong Pinas sa laban sa coronavirus disease-19 o COVID-19.

Para sa mga kritiko ng administrasyong Duterte, nagpipiyesta sila sa ulat ng Bloomberg at inihahayag nilang talagang inutil ang ating kasalukuyang pamahalaan at dapat lang na kalusin na.

Sa gitna nito, magandang tingnan ang ilang bagay na bahagi ng sitwasyong COVID-19.

PAGKAKASAKIT AT SA US

Nakabase ang headquarter ng Bloomberg sa New York City, United States.

Ayon sa virusncov.com, heto ang mga rekord ng US sa mga nagkaka-COVID at namamatay.

Nitong Oktubre 1, 2021, may nagkasakit na 107,100 at namatay na 2,794; Okt. 2 – 128,717 nagkasakit at 2,153 namatay; Okt. 3 – 50,200 nagkasakit at 672 namatay; Okt. 4 – 23,527 nagkasakit at 236 namatay; Okt. 5 – 167,775 nagkasakit at 2,520 namatay; Okt. 6 – 96,856 nagkasakit at 2,398 namatay; Okt 7. – 143,392 nagkasakit at 3,005 namatay; Okt 8 – 98,841 nagkasakit at 2,545 namatay; Okt. 9 – 106,192 nagkasakit at 2,064 namatay; Okt. 10 – 47,562 nagkasakit at 591`namatay; Oktl 11 – 19,924 nagkasakit at 507 namatay; Okt. 12 – 108,980 nagkasakit at 1,036 namatay.

Nitong Setyembre, heto naman ang lumalabas.

Setyembre 1 – 172,254 ang nagkasakit at 1,553 ang namatay; Set. 2 – 217,625 nagkasakit at 2,028 namatay; Set 3 – 183,419 nagkasakit at 2,920 namatay; Set. 4 –  181,508 nagkasakit at 1,978 namatay; Set. 5 – 56,899 nagkasakit at 897 namatay; Set. 6 – 43,433 nagkasakit at 378 namatay; Set. 7 – 62,749 nagkasakit at 391 namatay; Set. 8 – 346,894 nagkasakit at 2,506 namatay; Set 9 – 199,216 nagkasakit at 2,325 namatay; Set. 10 – 162,273 nagkasakit at 3,266 namatay; Set. 11 – 163,148 nagkasakit at 2,303 namatay; Set. 12 – 78,874 nagkasakit at 717 namatay; Set. 13 – 43,859 nagkasakit at 363 namatay; at Set. 14 – 287,862 nagkasakit at 2,330 namatay.

Noon namang Set. 15, may 152,275 nagkasakit at 2,122 namatay; Set. 16 – 197,972 nagkasakit at 2,722 namatay; Set. 17 – 154,458 nagkasakit at 3,446 namatay; Set. 18 – 142,125 nagkasakit at 1,978 namatay; Set. 19 – 68,951 nagkasakit at 847 namatay; Set. 20 – 41,769 nagkasakit at 440 namatay; Set. 21 – 206,233 nagkasakit at 2,793 namatay; Set. 22 – 138,761 nagkasakit at 2,246 namatay; Set. 23 – 162,009 nagkasakit at 2,837 namatay; Set 24 – 123,567 nagkasakit at 3,165 namatay; Set. 25 – 134,437 nagkasakit at 2,317 namatay;  Set. 26 – 52,881 nagkasakit at 713 namatay; Set. 27 – 28,632 nagkasakit at 320 namatay; Set. 28 – 193,376 nagkasakit at 2,828 namatay; Set. 29 – 106,590 nagkasakit at 2,001 namatay; at Set. 30 – 157,596 nagkasakit  at 2,868 namatay.

ANG KABUUANG KATOTOHANAN

Nagkasakit na ang 44,213,288 katao at namatay naman ang 714,090 sa US.

Nangunguna sa buong mundo ang US sa may pinakamaraming nagkakasakit at namamatay.

Ito’y sa kabila ng nais palabasin ng Bloomberg na ang US ang isa sa may pinakamaraming nabakunahan, isa sa may pinakamaraming test, isa sa may pinakaepektibong lockdown at iba pang naging sukatan nito sa pagkukumpara ng US at Pilipinas.

Magandang banggitin na rin dito ang rekord ng Pinas na may 2,549,966 ng nagkasakit at 38,294   namatay kumpara sa grabeng nagaganap sa US.

Sa tingin ng Bloomberg, pinakamasama ang ginagawa ng pamahalaan Duterte sa laban sa pandemya.

Subalit, ang rekord mismo sa itaas ukol sa mga nagkasakit at namatay ang isa sa dapat nating ikonsidera kung ano naman ang meron sa pamahalaang US na tila hindi pinagtuunan ng pansin ng Bloomberg.

Hindi nakikita ng Bloomberg ang sarili nitong bakuran at ang bakuran ng iba ang nakikita nitong masama ang kalagayan at ginagawa.

Batay rito, hindi dapat magsaya ang mga kritiko at gawing kasangkapan ang ulat ng Bloomberg para sabihing inutil ang pamahalaang Duterte sa laban sa pandemya.

MAGKAISA, MAGTULUNGAN

Ang halaga lang ng ulat ng Bloomberg ay maging bahagi ng mga dapat pa nating gawin sa giyera sa pandemya.

Pero higit na isaisip dapat ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kritiko at makaadministrasyon.

Sa pagsusumikap ng pamahalaan, dumarating na ang bulto-bultong bakuna na kung hindi mapurnada ay kaya nang iturok sa mahigit kalahati ng mahigit 100 milyong Pinoy sa katapusan ng taon.

Kailangan ngayon ang pagkakaisa at pagtutulongan upang lahat na ay mabakunahan ng dalawang beses at makamit na natin ang herd o community immunity para kaya nating lumaban sa malubhang pagkakasakit, pagkakaospital at kamatayan.

Sa bakuna tayo makaaasa na makabangon na tayo sa kahirapan at malayang makapag-aral, makapaghanapbuhay, makapamasyal, mapalakas ang paglilingkod na pamahalaan.


  •  
  •  
  •