Ulat ng drug war abuse ng mga pulis walang ebidensya pero iniimbestigahan — Eleazar

Ulat ng drug war abuse ng mga pulis walang ebidensya pero iniimbestigahan — Eleazar

July 21, 2021 @ 11:51 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Iniulat ni Philippine National Police chief Guillermo Eleazar na karamihan sa ulat ng dru war abuse ay hindi suportado ng ebidensya.

Sa kabila nito, iniimbestigahan na aniya ang mga operasyong isinagawa ng mga pulis.

 “Ang nakikita natin ay sinasabi bakit kaunti lang ang napaparusahan, ay kasi ang imbestigasyon is based on evidence at napansin natin, ako observation ko, is maraming mga kaso tayo na wala namang ebidensya,” lahad ni Eleazar sa isang panayam.

“‘Yung iba nating kababayan ay they opted na hindi na lang mag-file ng kaso pero ilapit na lang sa media, Commission on Human Rights and even sa iba pang sectors ng ating government. But in he conduct of investigation in any investigating body, ay kailangan mayroon tayong basehan.”

Sa datos ng PNP, nakita ang 5,655 police drug war operations na nagresulta sa pagkasawi.

 “Ang sinabi ng ating pangulo is maging aggressive kami sa ating kampanya, pero hindi ibig sabihin nun na mag-abuso ka kasi any abuse na pwedeng gawin ay may corresponding investigation at that could be sanctioned.”

“Kapag nag-violate ka dyan ay kakasuhan ka. Hindi naman ibig sabihin na sinabi ng Presidente e, ‘Tumalon ka dyan sa bangin,’ e tatalon na kami… Hindi naman kami mga walang isip na mga pulis,” punto pa nito. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •