Ulat ng mga marinong mawawalan ng trabaho sa EU, sinalag ng Marina

Ulat ng mga marinong mawawalan ng trabaho sa EU, sinalag ng Marina

November 2, 2022 @ 6:55 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinalag ng Maritime Industry Authority (Marina) ang napabalitang nanganganib na mawalan ng trabaho ang mga Filipino seafarers sa mga European Union ships dahil sa hindi pagtugon ng bansa sa international maritime standards.

Sa pahayag, sinabi ng Marina na nakapagpasa na sila ng ulat sa European Commission (EC) noon pang Marso taglay ang kanilang tugon sa strategic action plan sa implementasyon ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW).

“It was the result of close collaboration among government agencies and maritime industry stakeholders representing maritime education and training, ship management and manning, and seafarers,” ayon sa pahayag.

Ang Committee on Safe Seas and the Prevention of Pollution from Ships (COSS) ang responsable sa pagdedesisyon ng status ng compliance ng isang bansa sa naturang Convention.

Anang Marina, malabo pang mailabas ang desisyon ngayong taon. RNT/JGC