Ulat ng vote-buying aaksyunan ng PNP

Ulat ng vote-buying aaksyunan ng PNP

April 18, 2022 @ 2:57 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Iniatas ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Dionardo Carlos sa mga tauhan na aksyunan ang mga ulat ng umano’y vote-buyingsa kanilang mga lugar, ayon sa isang opisyal ng organisasyon nitong Lunes.

Sa isang press conference, sinabi ni Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon na ilang pulis, commander, at maging mga kandidato ang nakapag-uulat ng umano’y pagbili ng boto.

“We have been receiving several reports from our subordinates, commanders, as well as the candidates themselves and intelligence communities are conducting validation on this,” sabi ni De Leon.

“In fact, the Chief PNP has given instruction to all commanders down to the police stations to conduct appropriate police actions in coordination with the Commission on Elections,” patuloy niya.

Inilahad pa ni De Leon na iniipon pa ng PNP ang lahat ng mga ulat ukol sa vote buying na natatanggap ng PNP. RNT/SA