LPA magpapaulan sa Visayas, 5 pang lugar

June 26, 2022 @8:30 AM
Views:
54
MANILA, Philippines- Magiging maulap ang kalangitan sa Visayas at iba pang lugar na sasabayan ng kalat na pag-ulan ngayong Linggo dahil sa low pressure area (LPA) sa silangan ng Surigao del Sur, ayon sa PAGASA.
Kabilang sa limang apektadong lugar ang Calabarzon, Bicol Region, Caraga, Marinduque at Romblon.
Sa mga nabanggit na lugar, magiging maulap ang kalangitan at magiging maulan. Posible ring bumaha o gumuho ang lupa sa oras ng moderate to heavy rains.
Namataan ang LPA 95 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, kaninang alas-3 ng madaling araw, batay sa PAGASA.
Samantala, makararanas sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap na kalangitan na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies at localized thunderstorms.
Inaasahan naman na ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:29 ng madaling araw at lulubig mamayang alas-=6:29 ng hapon. RNT/SA
Easterlies magpapaulan sa Davao Region, Agusan del Sur, Surigao del Sur

June 25, 2022 @8:30 AM
Views:
76
MANILA, Philippines- Makaaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng bansa ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.
Magiging maulap ang kalangitan sa Davao Region, Agusan del Sur, at Surigao del Sur na sasabayan ng kalat na pag-ulandulot ng easterlies “with possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains.”
Magiging bahagyang maulap naman ang kalangaitan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa na sasabayan ng “isolated rain showers or thunderstorms due to the easterlies / localized thunderstorms with possible flash floods or landslides during severe thunderstorms.”
Makararanas ang buong bansa ng light to moderate wind speed patungong east to southeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:29 ng madaling araw at lulubog mamayang alas-6:28 ng gabi. RNT/SA
ITCZ magpapaulan sa Zambo Peninsula, 3 pang lugar

June 18, 2022 @8:30 AM
Views:
95
MANILA, Philippines- Magiging maulap ang kalangitan sa Zamboanga Peninsula, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, at Palawan na sasabayan ng kalat na pag-ulan ngayong Sabado dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na makaaapekto sa Mindanao at Palawan, batay sa ulat ng PAGASA.
Samantala, magiging maulap naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa at inaasahan ang isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies at localized thunderstorms.
Inaasahan din ang slight to moderate na coastal water sa buong bansa.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:28 ng madaling araw at lulubog ng alas-6:27 ng hapon. RNT/SA
ITCZ magpapaulan sa Mindanao

June 17, 2022 @7:30 AM
Views:
89
MANILA, Philippines- Magdudulot ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa Mindanao ngayong Biyernes, ayon sa ulat ng PAGASA.
Makararanas ang Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Davao Region, at SOCCSKSARGEN ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ na may posibilidad ng pagbaha o pagguho ng lupa sakaling tumindi ang buhos ng ulan.
Sa Metro Manila naman at natitirang bahagi ng bansa, magiging maulap ang kalangitan na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies / localized thunderstorms.
Makararanas ang Luzon ng light to moderate wind speed patungong east to southeast direction habang ang coastal waters ay inaasahang slight to moderate.
Samantala, light to moderate patungong east to northeast direction naman ang wind speed sa Visayas at Mindanao habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:27 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:27 ng hapon. RNT/SA
LPA magpapaulan sa Mimaropa

June 6, 2022 @6:30 AM
Views:
132